Archdiocese of Tokyo
Pagsasabuhay ng Misyon ng Ebanghelyo, Panukala Para sa ‘Isang Pasulong Na Hakban Reorganization Project Team’ ng Arkidiyosesis ng Tokyo
Ika-29 ng Hunyo 2002
‘Reorganization Project Team’ ng
Arkidiyosesis ng Tokyo
Inilathala ng Arkidyosesis ng Tokyo,
Opisina ng Arsobispo
16-15, SEKIGUCHI 3-CHOME BUNKYO-KU, 112-0014 TOKYO
Tel. 03-3943-2301 Fax. 03-3944-8511
INDEX
- Preface by Peter OKADA TakeoArchbishop of Tokyo
- Living out the Gospel Mission Proposals for “One Step Forward”
Reorganization Project Team of Tokyo Archdiocese - I.Intention and Purpose of the Reorganization
- II.Restructuring
- (A) Reorganization of Parishes
- (B) Strengthening the Work of the Archdiocese
- (C) Related Problems
- III. Future Measures
- Information from the Tokyo Diocesan Office
LISTS
- Organizing Plan for the Catholic Mission Districts
- Foreign Language Mass, Religious Orders, Educational Institutions, Facilities present in each Catholic Mission District and Parish Community
Paunang Salita
Pagsasabuhay ng Misyon ng Ebanghelyo
Sa Mga Layko, Relihiyoso at Kaparian ng Arkidyosesis ng Tokyo.
Isang taon na ang nagdaan magmula nang ang mensahe ko sa ‘Isang Pasulong na Hakbang’ ay ipinamigay sa buong Arkidiyosesis noong ika-25 ng Hunyo nang nakaraang taon. Mula noon maraming tao ang tumugon sa pakiusap ko at ako ay buong pusong nagpapasalamat sa kanilang ginawa. Sisikapin kong gawin ang kanilang tugon bilang gabay sa pagpapatuloy ng proseso ng pagbabago ng istruktura.
Ang ‘Project Team’ ay nakagawa ng bagong dokumento ‘Pagsasabuhay ng Misyon ng Ebanghelyo – Mga Panukala Sa Pagpapatuloy ng Isang Pasulong na Hakbang’. Hinihiling ko sa inyo na basahin ninyo ang bagong dokumento na ito nang masinsinan, bigyan ng panahon ang mga pangunahing isyu at pag-aralan kung ano ang kaugnayan nito sa inyong parokya.
Sa pamphlet na ito, mga bagong konsepto tulad ng ‘Catholic Mission District’ at ‘Parish Community’ ang ipinakilala at ang plano para sa pagbabago ng istruktura ng Arkidiyosesis ay lalong pinalinaw. Nasa unang hakbang pa lang tayo ng proseso at marami pang pagkakataon upang baguhin ang mga plano, kaya ang inyong opinion ay malugod na tatanggapin. Responsibilidad ng Obispo na siguraduhing ang prosesong ito ay may maayos na kahahantungan.
Kapag ang organisasyon ng bagong ‘Catholic Mission Districts’ ay sigurado na sa Marso 2003, ang unang hakbang sa prosesong ito ay nasimulan na.
Ang unang hakbang sa reorganisasyon ay hindi upang lalong paangatin ang antas ng trabaho, ngunit ito ay ‘trial period’ para sa bagong kombinasyon ng mga parokya, na magbibigay ng maraming pagkakataon para sa pagbabago. Sa pagpapatuloy sa pangalawang hakbang, ang Parish Communities na bubuo ng bawat Catholic Mission District ay pagpapasyahan.
Pagkatapos na ipamahagi ang ‘Isang Pasulong na Hakbang’ noong nakaraang taon, isang Diocesan Meeting ang ginawa. Katulad ng nakaraan, isang Diocesan meeting ang pinaplano din para sa taong ito at nais namin na mas maraming tao ang makadadalo, upang magbahagi at magnilay sa mahalagang isyu na ito.
Ang simbahan ay palaging nangangailangan ng muling pagsilang . Ito ang bumalik sa kanyang pinagmulan na walang iba kundi si Hesukristo.
Si Hesus ay walang sawang nagpagaling sa mga nagdurusa, sa mga inabuso, at sa mga inaapi nang may buong pagmamahal. Sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, si Hesus ay unang pumunta sa mga mahihirap. Siya ay naging kaibigan nila at Siya ay naglakbay kasama nila. Ang misyon ng Simbahan ay upang magbigay ng bagong buhay sa misyon ni Kristo. Sa lipunan ng bansang Hapon maririnig ang mga tinig na humihingi ng kaligtasan at makikita rin ito dito sa Tokyo. Paano tutugunin ng Simbahan natin ang mga hinaing na ito? Magbubulag-bulagan na lang ba tayo sa mga pagsusumamo ng mga tao na nagdurusa, dala ng malalang problema ng pamilya? Anong uri ng problema mayroon ang mga tao sa kasalukuyan? Anong uri ng pagdurusa at sakit ang nakabalot sa kanila? Ito ang dapat nating bigyan ng pansin. Ito ang pangunahing bagay na kailangang harapin.
Si Hesus ay nagturo sa kanyang mga alagad ‘Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito ngunit ang naghahangad na mawalan ng sarili alang-alang sa akin ang makakatagpo nito’ (Mateo 16:25). Sa ibang pagkakataon, si Hesus ay naghikayat sa kanyang mga alagad na ‘Lakasan ninyo ang inyong loob dahil napagtagumpayan ko ang mundo’. (Juan 16:33) ‘Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon’ (Mateo 28:20).
Nang may buong tiwala sa Panginoon, manalangin tayo.
‘Panginoon, nananalangin kami na ipadala mo ang Espiritu Santo sa bawat isa sa amin; bigyan mo po kami ng talino at pang-unawa sa aming gawain para sa pagbabago ng Arkidiyosesis ng Tokyo, tamang paghuhusga at lakas ng loob, biyaya ng pagkilala sa Diyos at pusong tatalima sa Iyo nang may buong pagmamahal at paggalang’.
Ika-29 ng Hunyo 2002
Peter OKADA Takeo
Arsobispo ng Tokyo
Ang Pagsasabuhay ng Misyon ng Ebanghelyo
Panukala para sa ‘Isang Pasulong na Hakbang’
Reorganization Project Team ng Arkidiyosesis ng Tokyo
Ang bawat parokya ay hinikayat na pag-usapan ang mga isyu na binanggit ng Arsobispo Peter Okada Takeo sa ‘Isang Pasulong na Hakbang’, isang pagsusuri ng mahal na Obispo sa mga istruktura ng parokya na ipinalabas noong Hunyo 25, 2001. Pinagsama-sama ng bawat Block ang kasagutan ng mga parokya at ang buod nito ay ipinadala noong Disyembre. Pagkatapos na mabasa ang mga buod nakita ng Arsobispo at ng Project Team na karamihan sa mga layko, mga relihiyoso at mga parokya ay seryosong pinagnilayan ang mga bagay na ito. Ngunit, aming napagtanto na ang intensiyon ng reorganisasyon ay hindi pa masyadong naipahayag nang mabuti at marami sa mga tao ay hindi mapalagay at nagdududa pa sa prosesong ito.
Dahil sa mga reaksiyon na ito, nais ipahayag ng Project Team sa simpleng paraan ang layunin sa likod ng pagbabago ng istruktura at ang mga konkretong paraan kung paano ito makakamtan.
I.Layunin at Hangarin ng Reorganisasyon
(1) Ang pangunahing hangarin ay upang ‘Isabuhay ang Misyon ng Ebanghelyo’.
Ang pagbabago ng istruktura ng Arkidiyosesis – ang reorganisasyon ng sistema ng parokya -ay naghahangad ng mas buhay na ebanghelisasyon. Ang dokumentong ‘Isang Pasulong na Hakbang’ ay nagsasaad – ‘Dahil dito dapat lang na ang Simbahan bilang komunidad na may misyon at lugar kung saan yaong mga nasa kalagayan ng kahinaan ay makahanap ng kaligtasan, matingnan muli ang realidad sa isang radikal na pamamaraan upang magkaroon ng tunay na pagbabago. At upang magawa ito, tinitingnan ko na ang pagre-organisa ng mga parokya ang pinakamahalaga at dagliang gawain na mayroon tayo. (III-3)
Ang salitang ‘Ebanghelisasyon’ ay hindi lamang nangangahulugan ng ‘pagpapahayag ng magandang balita ng Diyos, pagpapalaganap ng kaalaman kay Kristo sa mga hindi pa nakakakilala sa Kanya, at magsagawa ng pagbibinyag,’ ngunit ito ay nangangahulugan din ng pagsasabuhay sa ‘Misyon ng Simbahan na tinanggap nito mula sa muling nabuhay na Kristo’. Karamihan sa mga dokumento ng Simbahan sa bansang Hapon ay gumagamit ng salitang ‘senkyo’, bilang pagsasalin sa salitang ‘mission’, na galing sa salitang Latin ‘Missio’, na ang ibig sabihin ay ‘ipadala’ (to send-out). Ang Bagong Tipan (New Testament) ay gumagamit ng iba’t-ibang salita na tumutukoy sa salitang ‘to send-out’ ( Mission o Senkyo ). Ang mga salitang ‘maging modelo sa pamamagitan ng salita at gawa (cf. Acts 1: 7-8), at ipagpatuloy ang misyon ni Hesus na ipinadala ng Ama, upang mamuhay kasama natin, ay nagkaroon ng katuparan dalawang libong taon na ang nakalipas (cf. John 20:21-23). Ito ay nakasulat bilang isang paraan ng pamamahayag.
Sa dokumentong ito gagamitin natin ang salitang ‘Misyon ng Ebanghelyo’ upang ipahiwatig ang ‘Misyon na kailangang ipagpatuloy ng Simbahan; ang Misyon ng Simbahan na ibinigay ng muling nabuhay na Kristo at misyon ni Kristo na ipinadala ng Diyos sa Palestina dalawang libong taon na ang nakalipas.
Sa pamamagitan ng kanyang banal na salita at gawa, napukaw ni Kristo ang pagtitiwala at pag-asa sa puso ng mga tao na naghahanap ng kaligtasan noong panahong iyon, tayo ang tanda ng pag-asa at kaligtasan para sa mga tao sa kasalukuyang panahon. Ito ang ating misyon, ang isabuhay ang ‘Misyon ng Ebanghelyo’ at ito ang pangunahing layunin ng pag-reorganisa na sinimulan ng Arkidiyosesis ng Tokyo.
(2) ‘Ang Pag-unawa sa ‘Misyon ng Ebanghelyo’ na nasa Kritikal na Kalagayan
Sa pagsiyasat natin sa kinalalagyan ng krisis na ito, makikita natin na posibleng nakakaligtaan na ng ating mga simbahan ang hangarin ng Misyon ng Ebanghelyo.
Makikita sa kasaysayan ng Simbahan na nahuhulog sa bitag ng katiwalian ang mga simbahan kapag nakakaligtaan nito ang hangarin ng Misyon ng Ebanghelyo. Kapag sinimulan ng Simbahan na bigyan ng proteksyon ang kanyang sarili at mawala sa landas ng pagiging instrumento ng kaligtasan sa mga tao, natural lang na pera at pagnanasa ang mangunguna sa mundo. Sa totoo lang, ang mga iskandalo na hinaharap ng Simbahan sa kasalukuyan – pera, sex at iba pang bagay kaugnay nito ay sanhi ng krisis na hinaharap ng Simbahan tungkol sa pag-unawa nito sa Misyon ng Ebanghelyo. Hindi lang ito problema na gawa ng ibang kaparian at relihiyoso. Ito ay problema na kailangang harapin ng buong Simbahan.
Ang mundo sa kasalukuyan, lalo na sa lipunan kung saan ang konsumerismo ang malakas na batayan, marami sa mga tao ay alipin ng maraming impormasyon at makamundong pagnanasa, at dahil dito ay nag-aatubili silang siyasatin ang ispiritwal nilang kahirapan (kakulangan ng kaligtasan ng Diyos). Mahirap ding makita kung ano ang totoong problema ng mga tao at kung paano makapagbigay si Kristo ng liwanag upang malutas ang problema. Kailangang aminin natin na dahil sa krisis na ito, ang mga kaparian , relihiyoso at mga layko ay nawawalan ng buhay na pag-unawa sa misyon.
(3) Ang Simbahan ay Hindi Kaakit-akit na Lugar para sa mga Kabataan
Isang matingkad na katotohanan tungkol sa mga parokya ng Japan ay ang kakulangan ng mga batang layko. Sa kabuuan, hindi lang mga pari kundi pati na ang mga layko ang patanda nang patanda. Sa pagtanggap sa kalagayang ito hindi maiiwasang maging negatibo ang pananaw tungkol sa hinaharap ng mga parokya sa ganitong kalagayan.
May mga pagtitipon na para sa mga kabataan ang isinagawa at may mga hakbang ding ipinatupad upang dumami ang bokasyon, ngunit ang mga ito ay hindi sapat na solusyon. Ang pangunahing problema ay sapagkat ang simbahan ay unti-unting nagiging hindi kaakit-akit para sa kabataan, dahil na rin sa ang papel ng Simbahan sa lipunan ay walang taglay na espesyal na kahulugan para sa maraming tao. Sa isang salita, ang mga parokya ay hindi na gumaganap bilang ‘Tanda ng Kaligtasan o Instrumento ng Kaligtasan’ sa kasalukuyang lipunan. Kung ang Simbahan ay totoong tanda ng kaligtasan, naniniwala kami na maraming mga kabataan ang magtataya ng kanilang buhay upang maglingkod kay Kristo.
(4) Kahalagahan ng Istruktural at Personal na Pagbabago
Ang malalim na pag-unawa sa pananampalataya, ang pagpapanibago ng ispiritwalidad at pagbabago ng pag-iisip, ay kailangan para sa pangmatagalang pagbabago ng Simbahan. Ang tatlong ito ay binigyang diin sa maraming sitwasyon at sa maraming pagkakataon kahit pa sa panahon ng Pangalawang Konseho ng Batikano hanggang NICE (National Incentive Convention for Evangelization).
Maraming kaparian, mga layko at relihiyoso ang muling nakatagpo ng kanilang Misyon ng Ebanghelyo bilang Kristiyano sa kasalukuyang lipunan, at sila ay mga buhay na tanda ng ating pananampalataya. Ngunit kailangang aminin ang katotohanan na ito ay hindi nakikita sa buong Simbahan.
Kailangang aminin na ang ating mga istruktura sa diyosesis ay maaaring naging hadlang sa mga kailangang pagbabago. Kung ang simbahan ay iniuugnay sa sistema ng parokya, ang istruktura ang higit na bibigyang halaga kaysa misyon.
(5) Pagsupil sa ugaling ‘Parokya ko lang ang pangangalagaan ko’.
Ang parokya ang pinakapangunahing karanasan ng komunidad para sa mga
Kristiyano, isang komunidad kung saan ang mga tao ay nagsabuhay ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng liturhiya at katekisis, at kung saan minana nila ang pananamplataya mula sa maraming henerasyon. Ang parokya ang sistema na may malaking papel sa ating buhay pananampalataya.
Sa isang banda, mahirap sabihin na ang mga parokya ay tunay na tumugon sa mga pangangailangan at pagbabago ng lipunan. Dahil sa mga problema ng kasalukuyang parokya, hindi maiiwasan na ang mga parokya ay nakatutok sa sarili at palaging ipinagtatanggol ang pansariling kalagayan.
Ang mga problema ay ang mga sumusunod :
1. Sa isang simbahan, ang naka-destinong pari ay nagsusumikap sa abot ng kanyang makakaya na isabuhay ang Misyon ng Ebanghelyo at pati na rin ng sa kanyang simbahan. Ngunit karamihan ng kanyang mga gawa ay hindi naipapamana sa bagong pari sa panahon ng pagpapalit ng kura paroko. Hindi tuloy naipapagpatuloy ang ‘missionary vision’ ng simbahan. Pinipili na lang ang mga gawaing madaling gampanan at nakakaligtaan na at nawawalan ng dating ang tunay na misyon.
2. Ang kaugnayan sa pagitan ng simbahan at mga layko ay base sa personal na kaugnayan sa pari, at ang mga layko ay palagi na lang nakadepende sa pari. Ang mga layko ay walang pagkakataon na gamitin ang kanilang bokasyon at kakayahan sa loob ng simbahan. Wala ring sapat na sistema ng suporta sa ibang mga layko. Dahil dito, maraming layko ang hindi nakakapagbahagi ng kanilang sarili sa simbahan. May kiling din ang pari na mas binabagayan niya ang palaging nagsisimba at hindi binibigyang halaga at hinihikayat ang mga hindi pumupunta sa simbahan kahit na namumuhay sila ng maayos bilang mga Katoliko sa lipunan.
3. Kailangang bigyang halaga ng Obispo ang assignment ng mga pari na nakakadagdag din sa lahat ng nabanggit na problema na hindi puedeng lutasin kung walang pangunahing istruktural na pagbabago. (tingnan sa ‘Isang Pasulong na Hakbang’ II,1-6)
4. Ang pangkalahatang resulta nito ay ang mentalidad na ‘Parokya ko lang ang pangangalagaan ko’ na siyang nagdudulot ng pagpapanatili lamang ng kasalukuyang kalagayan ng parokya.
Ang simbahan ay masyadong nakatutok sa parokya na naging dahilan ng maraming problema. Ang komunidad ng pananampalataya (faith community), tulad ng parokya, ay kailangan para sa ating sariling pananampalataya. Ngunit kung mananatiling ganito ang pamamaraan, malinaw na hindi tayo makakaalis sa limitasyon na ito . Kung kaya, kailangan nating malampasan ang ‘ugaling – parokya ko lang ang pangangalagaan ko’ .
II. Pagbabago ng Istruktura
Batay sa nabuong ideya na nabanggit ni Peter Okada Takeo- Arsobispo ng Tokyo sa ‘Isang Pasulong na Hakbang’, nais gumawa ang Project Team ng isang konkretong panukala hinggil sa pagbabago ng mga parish groupings at kung paano ang mga simbahan ay dapat magsabuhay ng Misyon ng Ebanghelyo.
May dalawang aspekto sa pagbabago ng istruktura; (A) Reorganisasyon ng mga parokya at (B) Ang pagpapalakas ng gawain ng Arkidiyosesis.
(A) Reorganisasyon ng mga Parokya
【Unang hakbang】Ang paghahanda ng Catholic Mission Districts
Pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay (Easter) Abril 2003, ang mga parokya ay pagsasama-samahin upang bumuo ng Catholic Mission Districts. Tatlo o apat na simbahan ang pagsasama-samahin bilang isang grupo at ang layunin nito ay isabuhay ang Misyon ng Ebanghelyo nang sama-sama bilang isang yunit. Ang parokya natin ngayon ay tatawagin na ‘Parish Community’ dahil ito pa rin ang pangunahing komunidad para sa mga parokyano. Makikita ninyo na ang sakop ng Catholic Mission District ay mas maliit kung ihahahambing sa lumang Block, upang mas madaling magkaaroon ng kooperasyon. Hanggang sa ngayon, ang bawat parokya ay mukhang ‘independent’ sa isa’t-isa at dahil dito ang kooperasyon sa Block ay masyadong limitado. Ang ibang Blocks ay hindi nga nakapagtakda ng regular na meeting. Sa kabilang dako, ang bagong Catholic Mission District ay magtitipon ng mga pari, layko at mga relihiyoso galing sa iba’t-ibang parish communities upang pag-isipan ang Misyon ng Ebanghelyo.
Ang sumusunod na balangkas ay naghahambing ng kasalukuyang sistema at sa ipinaplanong bagong istruktura ng Diyosesis.
Ang mga detalye ng reorganisasyon ng mga parokya ay ang mga sumusunod:
(1) Pagsasama-samahin ang mga kasalukuyang parokya upang bumuo ng bagong Catholic Mission District. Ang gawain ng komunidad na ito ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga tao sa komunidad at maghanap ng pamamaraan kung paano isasabuhay ang Misyon ng Ebanghelyo.
(2) Sa simula isang Parish Priest ang itatalaga sa bawat parokya at ang mga kasamang pari ng bawat Catholic Mission District ay magkakaroon ng regular na meeting. Isang pari ang magiging ‘Coordinator’, na siyang mamamahala sa pakikipag-ugnay at pamamalakad sa lahat ng gawain. Pag-aaralan nang mabuti ng Obispo ang komposisyon ng bawat team bago gumawa ng pagtatalaga ng mga pari sa bawat parokya.
(3) Ang bawat Catholic Mission District ay magtatatag ng Catholic Mission District Committee na siyang binubuo ng mga laykong kinatawan galing sa bawat parish community, kinatawan ng mga Relihiyoso sa distrito at ng priest team. Ang layunin ng Committee na ito ay magkaiba kaysa sa parish council na nagpapakilos sa bawat parish community. Ang siyang layunin at gawain ng bawat Catholic Mission District ay hindi ang pagpapanatili ng istruktura o magplano para sa mga pagtitipun-tipon at gawain kundi tungkol sa Misyon ng Ebanghelyo at kung paano ito maisasagawa. Ang mga sumusunod ay ang tatlong aspekto ng Misyon ng Ebanghelyo.
(a) Pagpapalaganap sa Ebanghelyo
(b) Sama-samang Pasasalamat at Pagpupuri sa Diyos
(c) Pagtutulungan sa Isa’t-isa at sa Iba.
Sa pamamagitan ng tatlong paraan na ito, ang simbahan ay magiging tunay na Tanda ng Pagmamahal ng Diyos. Sa mas konkretong paraan, ang
mga gawain ng Catholic Mission District ay ang mga sumusunod:
1> Dapat pagnilayan ng mga layko at kaparian ang Misyon ng Ebanghelyo at kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga tao sa kanilang lugar.
2> Pagtiyak ng oras at lugar para sa Bible Seminar, Preparasyon para sa Binyag at Misa. Ang oras ng misa ay dapat ayusin upang makatugon sa hiling ng mga tao at upang magkaroon ng pagkakaintindihan. Ang mga retreats ay dapat ding paghandaan kaugnay nito.
3> Sa pamamagitan ng proseso ng kooperasyon, ang natatanging katangian ng bawat parokya ay kailangang mabigyan ng pagkakataon na lumago.
4> Ang mga lugar at paggamit ng mga gusali ay dapat tingnan ayon sa isang pangmatagalan na pagpaplano at ayon sa gamit nito para sa Misyon ng Ebanghelyo.
5> Ang kinakailangang tulong ay manggagaling sa loob ng district sa panahon na ang pari ay may sakit o nagbakasyon nang matagal.
(4) Ang iminungkahing pagsasama-sama ng Catholic Mission District ay hindi permanente. Ang unang hakbang ay magiging ‘trial period’. Sa pagpapatuloy nito maaaring palitan ang mga groupings upang lalong mapabuti at maayos ang mga iminumungkahing layunin.
(5) Ang pagpapalaganap ng kooperasyon sa Catholic Mission District ay hindi nagwawalang-bahala sa mas malawakang kooperasyon na kailangan din sa ibang antas, katulad ng karanasan sa iba’t-ibang Block. Subalit, kailangan nating palitan ang mga Blocks noon upang mabigyan ng pagkakataon ang istruktura ng bagong district na lumago at tunay na tutugon sa pangangailangan ng bagong misyon.
(6) Ang proseso ng pagbuo ng Catholic Mission District ay hindi dapat magpapahina sa kaugnayan ng mga tao sa kanilang parish community. Sa pagtitipun-tipon para sa lokal na gawain o pagbabahagi ng iisang interes o problema, ang mga layko ay makapaglalakbay nang sama-sama upang magkaroon nang sapat na lakas na tahakin ang landas ng pananampalataya. Ang pananaw na ‘walang puedeng simulan kung walang pari’ ay dapat nang tigilan. Upang makabuo ng bagong relasyon sa mga layko, kailangang kumilos sila nang higit pa sa nasasaklawan ng kanilang Parish Communities upang mas mapadali ang daloy ng mga bagay-bagay. Kailangang mapalago at mapatingkad ang pamumuno ng mga layko at mga lay ministries sa antas ng parish community.
(7) Sa pagsimula ng mga gawain ng Catholic Mission District, ang mga pinansiyal na problema ay hindi maiiwasan. Higit sa lahat, kailangan nating baguhin ang kasalukuyang sistema ng ‘accounting’ kung saan ang
bawat parokya ay siyang nagbibigay ng sueldo ng kanilang pari. Sa ating bagong prinsipyo, ang Arkidiyosesis ng Tokyo ang siyang magbabayad ng sueldo ng kaparian na nagtatrabaho para sa mga parokya o sa ibang mga opisyal na trabaho para sa diyosesis na ibinigay ng Arsobispo (kasama ang mga pari na nagtatrabaho para sa relihiyosong kongregasyon at misyonerong kongregasyon). Ang detalye tungkol dito ay tatalakayin sa susunod na mga pahina sa dokumentong ito.
★Kailangan ng Pagbabago sa Ating Pag-iisip
Sa unang tingin ang pagbabagong ito ay mukhang pagbabago lang ng sistema, ngunit ito ay kailangang sabayan ng pagbababago ng pag-iisip. Kung walang pagbabago ng diwa hindi natin makakamit ang resulta na hinahangad natin.
Una sa lahat, ang kaparian ay kailangang maging mulat sa kahalagahan ng pakikipagtrabaho at pakikipag-ugnayan sa ibang mga pari at kailangan din nilang maging mulat sa kahalagahan ng pakikipag-dialogue at pagbuo ng desisyon kasama ang mga layko. Ang tradisyonal na konsepto ng pari na ang lahat ng autoridad at responsibilidad ay nakalagay sa kanyang balikat ay kailangang baguhin.
Kailangang maging mulat ang mga layko sa kanilang partisipasyon sa mahahalagang gawain ng simbahan. Kailangang hindi sila dumepende na lang sa pari. Kailangan nilang suportahan ang isa’t-isa upang maging saksi ni Kristo. Mahalaga din para sa bawat layko na maging mulat sila sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain at pamumuhay, na sila ay tumutugon sa Misyon ng Ebanghelyo. Kailangang maghanap sila ng maraming paraan sa loob at labas ng Simbahan kung paano nila maisasabuhay ang kanilang bokasyon.
★Ang Paghikayat sa Partisipasyon ng mga Relihiyosong Kongregasyon
Sa Arkidiyosesis ng Tokyo, mayroong maraming simbahan na pinamamahalaan ng mga lalaking Relihiyoso. Ang iba ay punong tanggapan ng kanilang sariling Kongregasyon na naka-base dito sa Tokyo.
Dahil sa magandang trabaho ng mga kaparian, maayos na pasilidad at magandang lokasyon, ang mga parokyang ito ay nagiging matagumpay sa kanilang gawain.
Ang mga Relihiyosong Kongregasyon ay hinihikayat na makilahok sa pagbabago ng istruktura ng Arkidiyosesis ng Tokyo at ibahagi ang kanilang mga pananaw sa proseso.
★Kooperasyon ng mga Relihiyosong Kongregasyon at mga Katolikong Institusyon
Ang Misyon ng Ebanghelyo ng Simbahan ay hindi matutupad kung ang Catholic Mission District, Parish Communities at Arkidiyosesis lamang ang kikilos. Laging mayroong malaking papel na ginagampanan sa misyon ng Simbahan ang mga Relihiyosong Kongregasyon (lalaki at babae), mga Katolikong Institusyon at Lay Movements. Ngunit sila rin ay nakakaranas ng kakulangan ng mga kabataan na magpapatuloy ng kanilang misyon. Ang pakikipag-ugnayan sa diyosesis at parish communities ay makakatulong upang ang iba’t-ibang grupo ay makapagbahagi ng kanilang kakayahan. Wala pa kaming maimumungkahi na konkretong paraan kung paano ipagpapatuloy ang kooperasyon na ito ngunit mahalaga na pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng mga Relihiyosong Kongregasyon at ibang Katolikong Institusyon sa loob ng Parish Community. Ang talaan ng mga Relihiyosong Kongregasyon at mga pasilidad sa bawat Catholic Mission District at Parish Community ay makikita sa pahina #30 upang maisaalang-alang ang malakas na kooperasyon.
★Dahilan ng Catholic Mission District
Ang plano ng organisasyon na nasa pahina 26 ay binuo ng Project Team batay sa iba’t-ibang opinyon na galing sa bawat Block noong Disyembre, 2001 at sa mga pagpupulong ng mga kaparian. Ang pangunahing dahilan upang ang kooperasyon ay makamtan nang maayos sa mga parokya, kailangang ang bagong grouping ay batay sa kung ito ay madaling marating o mapuntahan ng bawat isa.
Nais naming humingi ng iba pang opinyon sa bawat lugar at gumawa ng pagwawasto sa mga plano na ipapatupad sa Abril 2003.
【Pangalawang Hakbang】Ang Integrasyon ng Catholic Mission District
Ang Catholic Mission District ay unti-unting makikilala bilang isang pinag-isa at bagong uri ng parokya sa pangalawang hakbang. Hindi nangangahulugan na ang proseso ng pagsasa-isa ay mangyayari nang sabay-sabay para sa lahat ng Catholic Mission Districts. Maaaring dahil sa pangangailangan o akmang paghahanda, ang Catholic Mission District ay magiging bahagi na ng bagong uri ng parokya.
Ang parokya ay isang yunit na kinikilala ng Canon Law. Ito ay isang yunit kung saan ang pari na ipinadala ng Obispo ay nangangalaga at gumagabay sa mga tao. Ang hangarin ng integrasyon na ito ay hindi upang palawakin ang sakop ng parokya o gawing matiwasay ang trabaho. Hinahangad ng planong ito na makapagtrabaho ang mga kaparian, mga layko at relihiyoso bilang isang team na nakatutok sa Misyon ng Ebanghelyo.
Tingnan ang balangkas tungkol sa plano ng integrasyon.
Sa larangang ito ang mga sumusunod ay ang dapat mabigyang pansin.
(1.) Habang nakatuon ang pari sa pamamahala ng Catholic Mission District bilang District Pastor, ang ibang kaparian ay magsisilbing ‘associate priests’. Ang bawat Catholic Mission District ay magkakaroon ng ‘Mission Pastoral Team’, na binubuo ng pari, diakuno, layko at relihiyoso para sa masigasig na pagsasagawa ng kanilang Misyon ng Ebanghelyo.
(2.) Dahil marami sa mga kaparian sa kasalukuyan ay nagtatrabaho bilang Parish Priest, wala silang pagkakataon o interes na ipalaganap ang Misyon ng Ebanghelyo sa labas ng kanilang parokya. Ang pangunahing dahilan kung bakit ang bilang ng mga kasalukuyang parokya ay kailangang bawasan ay upang ang mga kaparian ay malayang makapagsagawa ng kanilang gawain kung sila ay hindi na nakatali sa responsibilidad ng pagiging parish priest. Magkakaroon sila ng pagkakataon na lalong mapabuti ang kanilang talento at interes para sa misyon nang higit pa sa nasasakupan ng lumang parokya. Ang associate priest ay maaaring magkaroon ng diocesan appointment (nabanggit sa Chapter B), o magkaroon ng karagdagang espesyal na ministeryo sa mga tao na higit pa sa sakop ng parokya.
(3.) Ang ‘Economic Advisory Committee’ at ‘Pastoral Evangelization Advisory Committee’ ay bubuuin sa bawat Bagong Parokya. Ang dalawang komite na ito ay bubuuin batay sa Canon Law upang hikayatin ang mga layko na makibahagi sa pamamahala ng bagong Parokya. Ang mga komite na ito ay hindi organisasyon upang gumawa ng resolusyon, subalit ito ay naghahangad ng sama-samang pagkilos at paggawa sa pagitan ng mga pari at layko na kung saan malaya nilang maipapahayag ang kanilang opinion, sariling galing at kakayahan. Isinasaad ng Canon Law na ang Economic Advisory Committee ay kailangang buuin sa bawat parokya. Ito ay nagsasaad din na ang Arkidiyosesis ay kailangang makipagsangguni sa miyembro ng Priest’s Council upang bumuo ng Pastoral Advisory Committee (cf.536-537, Canon Law).
Ang mga gawain sa parokya ay maaaring tingnan sa dalawang dimensyon: ang una ay ang pinansyal at ang pangalawa ay ang pastoral. Ayon sa terminolohiya ng Canon Law, ang Pastoral Evangelization Advisory Committee ay dapat tawaging Pastoral Committee. Ginagamit natin ang una dahil ang kahulugan ng salitang ‘pastoral’ ay masyadong limitado upang ipaliwanag ang kalagayan natin dito sa Japan. Sa hinaharap baka makahanap tayo nang mas angkop na pangalan para dito.
(4.) Ang sistema ng accounting at pamamahala ng Parokya ay kailangang bigyan uli ng kaukulang pansin.
(B) Ang Pagpapalakas sa Gawain ng Arkidiyosesis
Ang Diyosesis na nakasentro sa Obispo ay hindi lamang bahagi ng ‘Ecclesiastical’ na pamamahala o pagsasama-sama ng maraming parokya. Ang diyosesis ay bahagi ng Mamamayan ng Diyos na ipinagkatiwala sa Obispo upang gabayan niya, sa tulong ng mga kaparian, at alinsunod sa kanyang paggabay bilang isang komunidad, sa tulong ng Banal na Espiritu Santo sa pamamagitan ng Ebanghelyo at Eukaristiya, ito ay magbubuo ng isang partikular na Simbahan kung saan ang banal, katoliko at apostoladong simbahan ni Kristo ay tutuong buhay at aktibo. (mula sa ‘Decree on the Pastoral Office of the Bishops in the Church’ – Documents of Secong Vatican Council,11).
Habang ang mga Simbahan natin dito sa Japan ay maliit lamang at limitado ang ating maaaring gawin, sinisikap nating tugunan ang pagkagutom at pagkauhaw sa kaligtasan bilang ‘Katolikong Simbahan.’ Ang mga bagay na imposibleng matamo ng iisang Catholic Mission District o Parish Community, ay posibleng makamtan sa tulong at kooperasyon ng buong Arkidiyosesis. Samakatwid, kailangang isabuhay ang Misyon ng Ebanghelyo bilang isang bahagi ng Arkidiyosesis.
Hindi natin puedeng bilangin ang bawat gawain na iniaatas sa Arkidiyosesis dahil ito ay masyadong marami. Sa bahaging IV-2 ng ‘Isang Pasulong na Hakbang’, nakasulat na mayroong walong (8) gawain ang Diyosesis. Ang bawat isa nito ay mahalaga. Ngunit mukhang imposible na matugunan ang lahat nang sabay-sabay, magkakawatak-watak ang mga kakayanan ng bawat isa, at hindi tuloy ito maisasakatuparan nang mabuti. Ang Project Team ay nagtalaga ng tatlong mahahalagang gawain na hindi kailangang patagalin pa.
(1) Pagsasanay ng mga Layko upang maisabuhay ang Misyon ng Ebanghelyo
(2) Pagsuporta sa mga Dayuhang Katolikong Manananampalataya at Pagtugon sa kanilang mga Paghihirap
(3) Pagsuporta sa mga Taong May Ispiritwal at Mental na Paghihirap
Ang mga gawaing ito ay kailangang mabigyan kaagad ng pansin ngunit mahirap matugunan kaagad ito ng mga kaparian. Maliban sa pakikipag-ugnayan at pagtutulong-tulungan ng mga layko at mga relihiyoso, ang diyosesis ay nangangailangang magpadala nang sapat na bilang ng mga pari na magtatrabaho sa larangang ito. At upang makapagtrabaho nang husto ang diyosesis, kailangan na may sapat na bilang ng mga paring nagtatrabaho para sa opisina ng diyosesis. Kung ihahambing sa ibang diyosesis dito sa Japan mas marami ang pari ng diyosesis ng Tokyo. Subalit, dahil inaasahang magpadala din ang Arkidiyosesis ng Tokyo ng pari para tumulong sa pormasyon ng mga seminarista at sa lahat ng simbahan sa ating bansa, makikita na kulang na kulang ang staff.
Ang pagrere-organisa ng mga parokya at pagpapalakas ng trabaho ng diyosesis ay tunay na magkaugnay. Upang mapalaganap ang gawain ng diyosesis sa kabila ng kakulangan ng ‘priest staff’, kailangang isagawa ang pangalawang hakbang, na walang iba kundi ang pagrere-organisa ng mga parokya upang mabawasan ang bilang ng mga Parish Priests at mabigyan ng pagkakataon ang mga associate priests na makilahok sa mga pangunahing gawain ng Arkidiyosesis.
★Paliwanag tungkol sa Tatlong Gawain
(1) Pagsasanay sa mga Layko
Ang kasalukuyang parokya ay nakasalalay palagi sa pari. Maraming gawain ang maaring gawin ng mga layko. Hindi lang ang pinansiyal at pamamahala ng mga gusali, kundi rin ang mga gawain mismo na kaugnay sa Misyon ng Ebanghelyong Simbahan. Ang mga gawaing ito ang dapat maging pangunahing tutok sa pakikipag-ugnay ng layko sa Simbahan katulad halimbawa ng katekesis para sa lahat (bata hanggang matanda), paglilingkod sa liturhiya ( kasama na ang pamumuno sa liturhiya at pagbibigay ng Komunyon), pagbisita sa mga maysakit, pagtulong sa mga nag-iisa at nagdurusang tao, pagsuporta para sa pananampalataya ng bawat isa at pamumuno sa maliliit na grupo . Upang makamtan ang magandang resulta para sa lahat ng mga gawaing ito, kailangan nating pumili ng mga angkop na tauhan at bigyan sila ng karapat-dapat na pagsasanay at paghahanda. Ang malaking bahagi ng paghahanda na ito ay maaring ipagawa sa Catholic Mission District, ngunit ang Arkidiyosesis ng Tokyo ang mamamahalang gumawa ng gabay at tumulong sa pagsasanay sa kabuuuan.
(2) Pastoral na Pangangalaga at Suporta sa mga Dayuhan
Ang Catholic Tokyo International Center (CTIC) ang siyang may hawak ng bagay na ito at sa ngayon maraming mga parokya na ang nakatugon din sa mga pangangailangan ng mga dayuhan. Marami ang mga ‘Foreign Catholic Communities’ at marami ding simbahan na may misa sa ibang wika. Karamihan sa mga misa na ito ay nasimulan dahil mayroong pari na marunong ng ibang wika, o may ibang simbahan na nag-imbita ng pari na marunong ng ibang wika, dahil nakita nila na talagang kailangan ito para sa kanilang lugar. Dahil dito nagkaroon paminsan-minsan ng problema kung paano ipagpapatuloy sa panahon na kailangang ilipat ang pari. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita na hindi natutugugunan ng maayos ang ispiritwal na pangangailangan ng mga dayuhan. Sa ‘Guideline for the pastoral Mission of the Multi-nationalized Japanese Churches’ (Tokyo Province 1998) ay gumagamit ng salitang ‘Base Church’. Sa paggamit ng salitang ito ang guideline ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagtingin muli sa kasalukuyang pamamaraan ng pagtugon sa pangangailangang pastoral ng mga dayuhan at ng kahalagahan ng pagsasaayos nito upang masiguro ang patuloy na pastoral na pangangalaga.
Ang Liturhiya at Serbisyong Pastoral para sa mga dayuhan ay unti-unting pinapalawak sa buong Arkidiyosesis ng Tokyo. Mayroong dalawampung (20) Parish Communities na ihahanda bilang ‘Base Churches’ kung saan ang mga pari ay ilalagay para sa serbisyong pastoral para sa mga dayuhan.
(3) Pagsuporta sa mga Taong may Ispiritwal at Mental na Pagdurusa.
Ang bawat parokya ay may miyembro na may sakit o kapansanan sa pag-iisip. Maraming mga tao sa kasalukuyan ay problemado o ‘stressful’ ang pamumuhay at may dala-dalang bigat ng kalooban. Ito ay nangyayari din sa mga Katolikong mananampalataya. Ito ay kalimitang hindi pinag-uusapan, ngunit mayroong mga pamilya na nahihirapang alagaan yaong may mga sakit sa utak o kapansanan sa pag-iisip.
At sa kasalukuyan, ang mga problema tungkol sa pagdurusa na dulot ng sakuna, mga babaeng biktima ng pambubugbog ng kanilang asawa (domestic violence) at kabataang inaabuso ng kanilang magulang (trauma) ay dumarami.
Ang ganitong uri ng problema ay ipinaubaya na lang ng Simbahan sa mga doktor. Dahil posibleng magdulot nang mas malalang resulta ang pagtulong ng mga taong kaunti lang ang kaalaman sa psychiatry, ang problemang ito ay ipinaubaya na sa mga propesyonal.
Bilang miyembro ng Simbahan tayo ay may tatlong dahilan kung bakit kailangang huwag nating pabayaan ang mga taong may pangkaloobang problema.
1) Ang larangan ng paggamot na mental at emosyonal na mga suliranin ay kasalukuyang nakagawa ng malaking pagbabago at kaunti na lang ang mga pasyente na nangangailangan ng pangmatagalang ospitalisasyon. Ngunit, ang pagtanggap sa mga may kapansanan sa pag-iisip ay hindi pa masyadong laganap sa ating lipunan at ito ay nagpapahirap sa kanilang kalagayan at nagpapalala sa kanilang karamdaman. Sa ganitong kalagayan, ang parokya ang isang lugar na maaari nilang puntahan kung saan tatanggapin sila nang walang bayad.
2) Maraming tao pa rin ang hindi palagay na bumisita sa mga psychiatrists at limitado ang kanilang kaaalaman tungkol sa psychiatry. Maraming mga pamilya ang naguguluhan sa kalagayang ito at kaunti lang ang mga pampublikong organisasyon na nagbibigay ng karapat-dapat na payo para sa mga nagdurusa sa mental at emosyonal na problema. Sa Simbahan lang nararamdaman ng karamihan ang pagtanggap at pagpapayo na kanilang hinahanap.
3) Ayon sa Ebanghelyo, di ba inalagaan ni Kristo yaong may mga problema sakalooban? Ang pambubugbog ng asawa at pag-aabuso ng anak ay may kaugnayan sa problema ng karapatang pantao. Ayon sa mensahe sa Bibliya na nagbibigay ng malaking pansin sa mga ‘ulila at balo’ , ang mga biktimang ito ay prayoridad na kailangang bigyan ng tulong ng Simbahan.
May mga bagay na maaaring gawin ng Simbahan.
1. Counseling
(Pagbigay ng tamang payo at rekomendasyon galing sa tamang espesyalista)
2. Pakikiramay sa Krisis
(Pagbisita at pagbigay ng tulong sa panahon ng krisis)
3. Pangmatagalang suporta at tulong sa pagbabalik at pagpasok sa lipunan.
(Pagsuporta sa panahon ng paghilom upang makapag-ugnay muli sa
kapwa at sa lipunan)
Kailangang pag-isipan kaagad ang pagkakaroon ng bahay-silungan para sa mga biktima ng pambubugbog at pang-aabuso.
Ang paghawak sa mga bagay na ito ay masyadong malaking pasanin para sa isang parokya at pari kaya kailangan nating bumuo ng organisasyon sa diyosesis kasama na ang tungkol sa staff na mamamahala ukol sa mga bagay na ito.
(C) Kaugnay na mga Problema
【Pinansiyal na mga Problema 】
Upang maipagpatuloy ang reorganisasyon, kailangan nating baguhin ang pamamaraan na tinatawag na ‘ Self-supporting Accounting System of Parishes’ ngayon.
(1) Tungkol sa suweldo ng pari
Ang kasalukuyang pangunahing alituntunin ay nagsasaad na ang pari ay dapat bigyan ng sweldo ng parokya kung saan siya naglilingkod. At ang diyosesis ay nag-uutos sa bawat parokya na magbayad sa ‘Diocesan Office Contribution # 3″, ng halaga para sa sweldo ng pari ng diyosesis at Mission Order Priests at ang mga pari ay tatanggap ng kanilang suweldo galing sa diyosesis. Sa mga simbahan kung saan relihiyosong kongregasyon ang namamahala ang parokya din ang nagbibigay ng suweldo. Sa kasalukuyan may mga pari na nagtatrabaho sa opisina ng diyosesis. Ang kanilang suweldo ay binabayaran ng diyosesis. Ayon sa reorganisasyon ng mga parokya at mga pagbabago na kaugnay nito, ang kasalukuyang pamamaraan kung saan ang isang pari ay nagtatrabaho at binabayaran para sa isang parokya ay unti-unting magbabago. Kung kaya, alinsunod sa bagong alintuntunin na ang diyosesis ang magbababayad sa pari at bawat simbahan ay may responsibilidad tungkol dito, nais naming baguhin ang kasalukuyang sistema ng kontribusyon sa Diocesan Office.
Nais naming imungkahi na ang mga simbahan sa ilalim ng mga relihiyosong kongregasyon ay dapat magkaroon ng parehong sistema.
(2) Muling pagsusuri sa pang-pinansiyal na kalagayan ng mga pari
Sa ilalim ng kasalukuyang kondisyon, mayroong malawak na pagitan sa kita ng mga pari depende sa uri ng kanyang trabaho at sa parokyang kanyang pinamamahalaan. Ang pagitan na ito ay maaaring makahadlang sa pantay na pagdedesisyon tungkol sa pagbabago ng mga personnel at ng kanilang kooperasyon. Mahalagang magkaroon ng maayos na alintunin upang matiwasay na makapagtrabaho ang mga pari nang walang pinansiyal na problema, at sa kabilang dako ay maipagpatuloy ang simpleng pamumuhay.
(3) Ibang Pangangailangan
Kailangan nating suriin nang mabuti ang buong sistema ng accounting ng Arkidiyosesis na siya ring tatawag sa paggawa ng mga gabay para sa Catholic Mission Districts at Parish Communities. Ang mga gawain ng Simbahan ang kailangang bigyan nang prayoridad ng higit pa sa ‘maintenance’ nito. Dahil dito, kailangang suriin ang ‘fund system’ para sa konstruksyon at pag-repair na kani-kanyang ginagawa ng bawat Parish Community sa kanilang lokalidad.
【Ang Pagharap sa Iba’t-ibang Mga Isyu】
Maliban pa sa pang-ekonomiyang problema, ang pagbabago na ito ay may dala ring maraming gawain na kailangang aayusin. Kami ay nagbabalak na bumuo ng mga komite na tutugon sa mga sumusunod na isyu upang makapagbigay ng konkretong panukala.
1. Reorganisasyon ng Pinansiyal na Gawain ng Arkidiyosesis
2. Paghahanda ng ‘Base Church’ para sa mga Dayuhan
3. Pagsuporta para sa mga taong may pang-ispiritwal at mental na suliranin
4. Ang Pamamaraan ng Pagpapabuti ng Diocesan Kindergarten
5. Ang paggawa ng mga Pangunahing Prinsipyo para sa Catholic Mission District at Parish Community
Ang mga komite na ito ay kikilos kasabay ng mga layko at relihiyosong may kakayahan at galing ukol dito. Kaugnay ng pangkalahatang pagbabago ng istruktura, sampung (10) mga layko at mga madre ang inanyayahang sumali sa ‘ Round -Table Conference Regarding Restructuring’ upang magsilbing ‘sounding board’ para sa mga alternatibong pananaw at mungkahi tungkol sa proseso ng pagbabago ng istruktura.
III. Mga Plano sa Hinaharap
Nais naming imungkahi na ang mga kaparian, mga layko at relihiyoso sa Diyosesis ng Tokyo ay mag-usap tungkol sa ‘Panukala Para Sa Isang Pasulong na Hakbang,’ayon sa malalim at praktikal na pananaw. Hinahangad namin ang inyong kooperasyon at pag-unawa at hinihiling namin na sundin ang ‘time frame’ para sa prosesong ito.
July-Sept. Ang bawat parokya at block ay magkakaroon ng talakayan tungkol sa panukala. Pagdating ng katapusan ng Setyembre, ang mga blocks ay magbibigay ng buod (summary) ng kanilang opinion at ito ay ibibigay sa
Project Team.
October Ang Project Team ay magsasaayos at mag-uugnay ng lahat ng opinion at magpapadala ng kopya bago gawin ang meeting ng diyosesis.
Oct. 27th Magkakaroon ng meeting ang dyosesis upang pag-usapan ang bagay na
ito. Kailangang magkaroon ng desisyon tungkol sa Reorganisasyon ng mga Parokya at ng Plano ng pagbabago ng Istruktura. Ang plano ay maaaring baguhin ayon sa mga kasagutang natanggap. Pagkatapos nito ang Obispo ay gagawa ng desisyon tungkol sa pagbabagong ito at ito ay ipaaalam sa lahat.
Nov.-Mar. Ang panahon na ito ay ilalaan para sa paghahanda sa pagbubuo ng Catholic Mission District. Sa panahon na ito, ang paghahanda ay gagawin nang may pakikiisa sa buong Arkidiyosesis. (Magkakaroon ng mga miting upang maging pamilyar sa mga pari ang mga pagbabagong mangyayari sa pagbubuo sa Catholic Mission District). Ang bawat Catholic Mission District ay magpapasimula ng mga gawain kung saan ang mga Parish Communities ay mabibigyan ng pagkakataon na makipag-ugnay sa isa’t-isa.
April 2003 Pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay ( Easter), April 20th, magsisimula ang Catholic Mission Districts bilang pangunahing hakbang sa reorganisasyon ng mga parokya.
Junichi Iwahashi(Sekiguchi Catholic Church)
Keiji Kousa(Tokuden Catholic Church)
Masakazu Tachibana (Meguro Catholic Church)
Shigeru Tsuji (Tachikawa Catholic Church)
Leo Schumacher (Toshima Catholic Church)
Kazuo Koda(Reorganization Project Team of Tokyo Archdiocese)
Celestino Cavagna(Tokyo Diocesan Office)
Yuji Urano(Tokyo Diocesan Office)
Junichi Ebe (Tokyo Diocesan Office)
Reorganization Project Team of Tokyo Archdiocese
29th June. 2002
Mga Impormasyon Galing Sa Tokyo Diocesan Chancery
・Nais naming imungkahi na pag-usapan ng bawat parokya at Block ang mga sumusunod na katanungan.
(1) Sang-ayon ba kayo sa intensyon at hangarin ng pagbabago ng istruktura na ito?
(2) Anu-ano ang mga posibilidad na inaasahan ninyo sa Catholic Mission District? May mga pag-aalinlangan ba kayo tungkol dito?
(3) Mayroon bang pangunahing problema tungkol sa parish groupings na nakalista sa mga sumusunod na pahina, na magsisilbing Catholic Mission Districts? Kung mayroon, ipaliwanag ang dahilan at magmungkahi ng mas malinaw na alternatibong plano na maaring gawin.
(4) Mayroon bang positibong ideya o mungkahi tungkol sa tatlong mahalagang gawain na nakapaloob sa kabanata tungkol sa ‘Pagpapalakas sa Gawain ng Arkidiyosesis’.?
・Mas mainam kung ang lahat ng pagtatalakay na gagawin ay mangyayari sa Block at kapag nasuri na nang mabuti ay ibigay sa Project Team. Tatanggapin din namin ang mga ideya at plano na manggagaling sa mga indibidwal, relihiyosong kongregasyon o mga layko. Sa nabanggit na sa ibang pahina, ang huling araw sa pagbibigay ng lahat nito ay September 30.
・Address : ‘Reorganization Project Team’
Archdiocese of Tokyo,3-16-15 Sekiguchi,
Bunkyo-ku,Tokyo 112-0014
Fax : 03-3944-8511
E-mail : koda@tokyo.catholic.jp
(Siguraduhing naka-address sa ‘Reorganization Project Team’. Ang paggamit ng e-mail o pag-mail na may kasamang floppy disc ay malaking tulong upang ito ay mailagay nang maayos at mabilis sa aming files.)
・mpormasyon tungkol sa Diocesan Meeting
Ang mga detalye ay ipaaalam sa mga susunod na araw.
Petsa : October 27 ( Linggo),2002 2:00-4:30 ng hapon
Lugar : St. Mary’s Cathedral
Participants: Arsobispo, mga kaparian ng Arkidiyosesis ng Tokyo, Kinatawan ng mga Relihiyosong Kongregasyon at mga Parokya.
Ang Diocesan Meeting ay gaganapin hindi para gumawa ng desisyon o resolusyon upang mapabuti ang diyosesis, sa pagbabahaginan ng salita, mapapalawak ang ating opinyon at mapapalalim ang ating kaalaman tungkol sa pagbabago ng istruktura. Ang pagpapadala ng mga opinyon at pagsasagawa ng mga Diocesan Meeting ay napakahalagang elemento para makagawa ng tamang desisyon ang Arsobispo. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.
Plano Para sa Pag-organisa ng Catholic Mission District
Bilang | Parokya | Grupong Namamahala | Dating Block | Bilang sa Parokya | Kabuuang Bilang sa parokya | Karagdagang Impormasyon |
1 | Akabane
Oshima Sekiguchi Hongo |
Conventual
Diocesan Diocesan Diocesan |
Joto
Chuo Chuo Chuo |
1,332
29 2,035 475 |
3,871 |
Makikipag-ugnayan sa Tokyo Diocese. Ang Akabane ay malapit sa Urawa Diocese ngunit mas malapit sa Sekiguchi. |
2 | Kanda
Kojimachi |
Diocesan
Jesuit |
Chuo
Chuo |
1,267
10,972 |
12,239 |
Magkalapit ang lokasyon.Ang espesyal na katangian ng 2 simbahan na ito ay titingnan ng Tokyo Diocese. |
3 | Kasai
Shiomi Tsukiji |
Augustinian
Diocesan Diocesan |
Sobu
Sobu Chuo |
844
379 366 |
1,589 |
Tinitingnan ang pangyayari sa Bay Area lalo na ang patuloy na pagdami ng mga condominium. |
4 | Adachi
Umeda (sub) Ueno Kameari Mikawashima Machiya (sub) |
Salesian
Diocesan Diocesan Conventual Salesian Diocesan |
Joto
Joto Joto Joto Joto Joto |
456
258 581 364 669 138 |
2,466 |
Magkalapit ang lokasyon. Maliit lang ang bilang. |
5 | Asakusa
Ichikawa Koiwa Honjo |
Diocesan
Diocesan Diocesan Diocesan |
Joto
Sobu Sobu Joto |
398
827 603 740 |
2,568 |
Konektado sa Sobu Line. |
6 | Toyoshiki
Matsudo |
Diocesan
Diocesan |
Sobu
Sobu |
1,939
1,666 |
3,605 |
Bed-town ay makikita sa Joban Line. Ang Chiba New Town ay
puede rin |
7 | Akatsutsumi
Setagaya Hatsudai Matsubara |
Quebec Frs.
Diocesan Redemptorist CICM Frs |
Josai
Josai Josai Josai |
485
716 1,063 1,158 |
3,422 |
Makikita sa Meidai-mae, Keio Inokashira Line. |
8 | Sangenjaya
Seta(sub) Shibuya |
Franciscan
Franciscan Dominican |
Josai
Josai Josai |
1,081
698 1,133 |
2,912 |
Nasa Denentoshi Line sa Shibuya Area. |
9 | Kitami
Seijo Machida |
Columban
Paris Foreign Diocesan |
Josai
Josai Tama |
546
1,704 1,792 |
4,042 |
Konektado sa Odakyu Line. Malapit sa Yokohama Diocese. |
10 | Omori
Kamata Senzoku |
Diocesan
Diocesan Diocesan |
Jonan
Jonan Jonan |
659
523 840 |
2,022 |
Malapit ang lokasyon. |
11 | Azabu
Takanawa Meguro |
Diocesan
Dominican Diocesan |
Chuo
Jonan Jonan |
1,387
1,391 1,409 |
4,187 |
Magkakalapit ang lokasyon.madali ang transportasyon. |
12 | Denenchofu
Kaminoge(sub) Himonya |
Franciscan
Carmelite Salesian |
Jonan
Jonan Jonan |
3,085
1,742 1,908 |
6,735 |
Konektadao sa Toyoko Line. |
13 | Akitsu
Kiyose Kodaira |
Diocesan
Diocesan Diocesan |
Johoku
Johoku Musashino |
601
1,321 1,069 |
2,991 |
Nasa bandang kanlurang bahagi ng Seibu Line |
14 | Shimoigusa
Sekimachi Tokuden |
Salesian
Diocesan Diocesan |
Johoku
Johoku Johoku |
2,190 1,512
1,135 |
4,837 |
Nasa bandang sentro ng Seibu Line… |
15 | Itabashi
Kitamachi Shimura Toshima |
Franciscan
Diocesan Diocesan Columban |
Johoku
Johoku Johoku Johoku |
752
662 279 1,280 |
2,973 |
Nasa bandang Ikebukuro. |
16 | Ogikubo
Kichijoji Koenji |
Diocesan
Divine Word Diocesan |
Musashino
Musashino Musashino |
495
5,349 1,473 |
7,317 |
Konektado sa Chuo Line (Nakano, Suginami, Musashino…) |
17 | Tama
Chofu Fuchu |
Diocesan
Salesian Milano Frs. |
Tama
Musashino Musashino |
707
1,354 688 |
2,749 |
Konektado sa Keio Line. Maganda ang transportasyon |
18 | Akiruno
Ome Koganei Tachikawa |
Diocesan
Diocesan Diocesan Diocesan |
Tama
Tama Musashino Tama |
194
416 1,459 1,792 |
3,861 |
Nasa Tachikawa Terminal. |
19 | Takahata
Toyoda Hachioji Izumicho(sub) |
Diocesan
Diocesan Diocesan Diocesan |
Tama
Tama Tama Tama |
787
309 1,926 (Hachioji) |
3,022 |
Hino・Hachioji Area. |
20 | Kamogawa
Kisarazu Goi Tateyama |
Diocesan
Diocesan Columban Diocesan |
Chiba
Chiba Chiba Chiba |
52
545 508 97 |
1,202 |
Malaking Bahagi ng South Chiba area |
21 | Chibadera
Togane Nishi-Chiba Mobara |
Columban
Columban Diocesan Columban |
Chiba
Chiba Chiba Chiba |
627
300 1,669 366 |
2,962 |
Central Chiba. Madaling marating kasama ang Tsuga Assembly Hall |
22 | Sawara
Choshi Narashino Narita |
Diocesan
Milano Frs. Diocesan Diocesan |
Chiba
Chiba Chiba Chiba |
79
234 2,145 398 |
2,856 |
Keisei at Sobu Line ang nag-uugnay sa mga lugar na ito kahit malalayo. |
Roppongi | Franciscan | 1,500 | Magiging bahagi ng bagong Foreigner’s Pastoral Mission. | |||
Tokyo Korean | Seoul Diocese | 1,153 |
- Ang Grupong Namamhala na bahagi ay nagpapakita kung saan ang Pastor Priest ay kabilang.
- Ang bilang ng mga parokyano ay batay sa statistics ng taong 2001.
- Sa karagdagang Inpormasyon na bahagi, ang Project Team ay naglagay ng buod ng kanilang ideya tungkol sa pare-organisa ng mga parokya.